What's on TV

Buboy Villar, one call away sa ex-partner na si Angillyn Gorens kapag nami-miss ng kanilang mga anak

By Jansen Ramos
Published October 10, 2021 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar and angilyn gorens


Kahit hiwalay na, sinisigurado ni Buboy Villar ang patuloy na komunikasyon sa pagitan ng ex-partner niyang si Angilyn Gorens at kanilang dalawang anak.

Bagamat hiwalay na, on good terms pa rin sina Buboy Villar at American ex-partner niyang si Angillyn Gorens .

Sa Mars Pa More segment na "Pasabog na Chika" noong October 7, ibinahagi ni Buboy ang kanyang ginagawa kapag hinahanap ng kanilang mga anak na sina Vlanz Karollyn and George Michael ang kanilang mommy.

Bahagi ng aktor, "Tumatawag agad ako sa kanya through Messenger, video call para ganyan bonding kasi naawa rin ako sa kanya as a mother. Siyempre, hindi niya nakikita yung mga anak niya.

"Alam ko sobrang miss na miss na niya yung dalawa naming baby, so talagang gumagawa ako ng paraan kahit na minsan busy sa pares-an. Pumupunta talaga ko do'n para lang mag-take ng picture, magvideo lang sa mga bata at ise-send ko sa kanya. Sobrang masayang -masaya na sila."

Tulungan din daw sina Buboy at Angillyn sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Ayon sa report ng PEP.ph noong October 5, 2020, nasa Amerika si Angillyn kung saan siya nagtatrabaho para sa future ng kanilang mga anak.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang showbiz projects ni Buboy at abala rin sa kanyang food business na Paresan ni Bok.

Kilalanin pa ang ilang celebrity ex-couples na nanatiling magkaibigan para sa anak sa gallery na ito: