What's on TV

Carlo Gonzalez, inaming hindi siya gumagawa ng rason para makatakas kay Luane Dy

By Dianne Mariano
Published October 28, 2021 9:47 AM PHT
Updated October 28, 2021 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Carlo Gonzalez and Luane Dy


Ibinahagi ni 'Voltes V: Legacy' star na si Carlo Gonzalez na hindi siya gumagawa ng rason para matakasan ang kanyang asawa. Alamin ang kuwento rito.

Diretsong sinagot ni Kapuso actor Carlo Gonzalez na hindi niya ginagamit ang pagmo-motor bilang excuse para sa isang bagay na ayaw niyang malaman ng asawang si Luane Dy.

Ito ay kanyang ibinahagi sa nakatutuwang laro na “TaranTanong” ng Mars Pa More nitong Miyerkules, October 27.

Photo courtesy: Mars Pa More (IG)

Sa segment na ito, napunta kay Carlo ang tanong na: “Nagamit mo na ba ang pagmo-motor bilang excuse sa asawa mo para sa isang bagay o insidente na ayaw mong malaman niya? Oo o Hindi,” at agad naman niya binigay ang kanyang sagot na “Hindi.”

Agad naman nagkaroon ng isa pang “TaranTanong” at para ito sa asawa ng Voltes V: Legacy star na si Luane Dy.

Photo courtesy: Mars Pa More (IG)

Natanong naman sa first-time mom kung naniniwala nga ba siya sa sagot ng kanyang asawa at sumagot ng "yes" ang Kapuso host.

Nabigyan ng pagkakataon ang celebrity couple para ipaliwanag ang kanilang mga sagot at nauna na rito si Carlo.

Aniya, “Well, ako kasi I'm very transparent, especially with her. Gusto ko talaga, lalo na kapag umaalis ako ng bahay, gusto ko alam niya 'yung situation ko, kung pauwi na ako, sinong kasama ko ganyan, para rin sa bahay ano siya very… kumbaga wala na siyang iisipin pa kundi si Christiano na lang, hindi na siya magwo-worry. I don't want her to worry.”

Tinanong naman ni Mars Pa More host Iya Villania-Arellano kung confident ba si Luane sa sagot ni Carlo.

“Yes, kagaya nung tip na 'yon, siya hindi mo pa tinatanong, nasabi na niya lahat sayo,” pagbahagi niya.

Panoorin ang buong “TaranTanong” segment nina Iya Villania, Camille Prats, Carlo Gonzalez, at Luane Dy sa Mars Pa More video sa itaas.

Para sa mas marami pang celebrity features gaya nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Samantala, tingnan ang beautiful family nina Luane Dy at Carlo Gonzalez kasama si Baby Christiano sa gallery na ito: