
Inamin ni Kapuso star Pamela Prinster na nakaramdam siya ng takot kay Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette star na si Beauty Gonzalez.
Ito ay kanyang sinagot sa segment na “On The Spot: Palaban Edition” ng Mars Pa More kung saan pinag-usapan nina Mars Iya Villania-Arellano, Camille Prats, at guest stars na si Pamela Prinster at Arny Ross ang mga moment na pinush nila ang pagiging palaban.
Una nang sumabak si Pamela at napunta sa kanya ang tanong: “Aaminin ko isa sa mga kinatatakutan kong tao noon dahil feeling ko masusungitan niya ako ay si _______.”
Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)
Pagbahagi ng aktres, “For me, bago ako naglock-in taping sa Loving Miss Bridgette, I was really scared of Beauty Gonzalez.”
Tinanong naman ni Camille ang dahilan sa likod ng sagot ni Pamela at paliwanag ng huli, “Kasi 'di ba she has like a reputation… like in her other shows before siya 'yung talagang mataray.”
Ayon kina Iya at Camille, dagdag din daw rito ang features at pagiging outspoken ng naturang actress.
Patuloy ni Pamela, “Pero that's exactly what I ended up liking about her and I love her now. And she's so sweet to me and she's always messaging me. Super vibe kami and it makes me so happy.”
Nagkasama sa trabaho sina Pamela at Beauty sa unang kuwento ng drama-anthology series na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette, kung saan binigyang buhay ng una ang karakter na si Abby Mendoza at ang huli naman ay ang guidance counselor na si Bridgette.
Panoorin ang buong segment ng “On The Spot: Palaban Edition” sa Mars Pa More video sa itaas.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa si Pamela Prinster sa gallery na ito: