What's on TV

Iya Villania, inaming niligawan siya noon ni Sid Lucero

By Dianne Mariano
Published November 15, 2021 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Sid Lucero and Iya Villania


Ano nga ba ang nangyari sa dating panliligaw ni Sid Lucero kay Kapuso TV host Iya Villania noon kung saan si Drew Arellano pa ang naging tulay niya? Alamin ang kanyang sagot DITO:

Isang nakatutuwang rebelasyon tungkol kina Sid Lucero at Iya Villania ang nailahad kaninang umaga, November 15, sa Mars Pa More.

Sa segment na “TaranTanong,” nagulat at nagtaka si Camille Prats kung bakit napunta ang tanong sa kanyang co-host at hindi sa dalawang guest stars na sina Sid at Bing Pimentel, ang ina ng aktor.

Wika pa ni Camille, “At 'yung TaranTanong tinago talaga sa envelope.”

Binasa naman nito ang tanong na: “Totoo ba na si Sid ang mas unang nanligaw sa iyo at ang tulay niya ay si Drew? Oo o Hindi?”

Matapos ito, hindi naman napigilan na matawa ni Iya at umoo ito sa naging tanong tungkol sa aktor.

“Anong nangyari sa inyo? Bakit kami na lang ni Tita Bing 'yung... ano ito? May revelation na naganap ngayong umaga,” dugtong naman ni Camille.

Ibinahagi naman ni Sid na isa si Drew Arellano sa mga pinakamalapit nitong kaibigan sa kanyang pinakaunang workshop.

Iya Villania and Sid Lucero

PHOTO COURTESY: GMANetwork (Youtube)

Aniya, “Isa sa closest friends ko from my very first workshop, which got me into the industry, was Drew.”

Dagdag ni Iya, “Close niya kasi si Drew and I guess he also saw that.. Well, because Drew and I were a love team, nakita rin siguro niya na Drew and I were also close. So, he would've been the perfect bridge.”

Binalikan naman ni Sid ang sinabi nito sa Biyahe ni Drew host noong mga panahon na 'yon, “You know what I said the last time I actually ever tried? I was talking to him and I said, 'I think she likes someone else' and he was like, 'Ah talaga?' and I couldn't say it but I was talking to the guy.”

Pabiro naman na sinabi ni Iya na sana'y hindi raw 'yon ang naging dahilan sa pagkasira ng isang poste na nagawa ng aktor noon.

Panoorin ang buong “TaranTanong” video ng Mars Pa More at alamin ang nakatutuwang rebelasyon na naganap kaninang umaga.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, muling balikan ang sweetest moments nina Iya Villania at Drew Arellano sa gallery na ito: