
Inamin ni Kapuso star Mikee Quintos na alam nitong nagkagusto ang aktor na si Mikoy Morales sa kanya noon.
Ito ay ibinahagi ng aktres sa “TaranTanong” segment ng Mars Pa More kamakailan. Ayon kay Mikee, sila ni Mikoy ay matalik na magkaibigan o best friends.
“Mikoy and I are really good friends. We're best friends, actually. And 'yung dinaan na pandemic, para kaming dalawa 'yung… sabay kaming naging single. Sakto 'yung mood namin [at] 'yung vibe namin,” pagbabahagi ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento star.
Dumating din daw sa punto na pareho nilang tinanong, “Can this be more?”
Dagdag pa niya, “We always talked about it parang okay… parang wala pa sa timing noong time na 'yon. Until eventually, we just realized na we're meant to be friends. From the very beginning 'yung ups and lows, open kami sa lahat. We talk about everything.”
Para kay Mikee, importante rin ang honesty at trust. Aniya, “Important 'yung honesty [at] 'yung trust kasi. We're good, we're super good.”
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na panoorin ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, silipin ang iba't ibang character looks ni Mikee Quintos sa gallery na ito.