What's on TV

Kuya Kim Atienza, nakatanggap ng mensahe mula sa kanyang mga anak

By Dianne Mariano
Published January 27, 2022 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Iba't ibang sikreto ang ibinunyag ng mga anak ni Pars Kuya Kim Atienza nang ipagdiwang nito ang kanyang 55th birthday sa 'Mars Pa More.'

Nakatanggap si Kuya Kim Atienza ng pagbati at mensahe mula sa kanyang tatlong anak nang ipagdiwang kanyang 55th birthday celebration sa Mars Pa More noong January 24.

Bukod sa birthday messages, mayroon ding mga sikretong inilahad ang mga anak ni Kuya Kim.

Unang ipinakita na video ay ang pangalawang anak ng Kuya ng Bayan na si Eliana.

Aniya, “Hi, Pops! I love you, dad. But you need to stop snoring so loud. Joke. I love you and I hope you have a wonderful, wonderful birthday.”

Ibinahagi ng Mars Pa More host na siya ay proud sa kanyang anak dahil natanggap ito sa University of Pennsylvania, isang prestihiyosong unibersidad sa Amerika.

“Talagang ginusto ko makapag-aral abroad pero hindi namin kaya, hindi ko kinaya. Pero ngayon, mga anak ko ang nag-aaral sa abroad… 'yung success talagang feel ko. At proud ako sa isang 'yan, matalino 'yan eh. Valedictorian din 'yan. Pero 'yung sinabi niyang snoring, hindi naman gano'n kalakas ang snoring ko,” nakatutuwang pagbabahagi niya.

Sumunod naman kay Eliana ay ang panganay na anak ni Kuya Kim na si Jose Atienza III.

“Happy birthday, Pops. I love you but between us, just between us, your golf game needs a little bit of work. Just a little bit. But, don't worry I won't tell anyone. I promise. Happy birthday, I love you,” pagbati niya sa kanyang ama.

Ayon kay Kuya Kim, si Jose ang dahilan kung bakit nakapag-golf muli ang kilalang personalidad.

Kuwento niya, “Eh syempre, hindi ako magaling dahil kababalik ko lang, kinalawang na. Ang galing nito eh, magaling talaga 'yan.”

Huli naman naghatid ng pagbati si Emmanuelle na bunsong anak ni Kuya Kim. Aniya, “I want to say happy birthday, I love you but you have the stinkiest morning breath. I love you so much. Happy birthday.”

Bukod sa kanyang pamilya, nakatanggap din ng pagbati ang Kapuso TV host mula kina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Solenn Heussaff, Nico Bolzico, Drew Arellano, at GMA Executive Atty. Annette Gozon-Valdes.

Panoorin ang buong video ng pagbati ng mga anak ni Kuya Kim sa Mars Pa More video sa itaas.

Samantala, muling kilalanin ang Kuya ng Bayan sa gallery na ito.