
Ibinahagi ng aktor na si James Blanco na nakatrabaho na niya noon ang kanyang ultimate crush sa showbiz.
Sa “Tarantanong” segment ng naturang programa, mayroong video question para sa aktor at ang kanyang kaibigan na si Bro. Bobot Tare ang nagtanong, “Nakatrabaho mo na ba ang ultimate crush mo sa showbiz?”
“Yes” naman ang sagot ni James.
Paliwanag niya, “Noong hindi pa ako artista, napapanood ko lang siya. Malapit lang din naman 'yung edad namin pero medyo bata pa siya noon sa showbiz. Tapos noong nakatrabaho ko siya, parang alam 'yon, natutulala ako sa kanya.”
Ang aktres ng itinutukoy ni James ay si Widows' Web star Carmina Villarroel-Legaspi.
Nakatrabaho raw ni James ang batikang aktres noon sa isang drama na eksena.
Noong 2008, ikinasal sa simbahan sina James at ang kanyang half-Filipina, half-New Zealander wife na si Tania Creighton. Sila ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Iñigo, Sebastian, at Natalia.
Panoorin ang “Tarantanong” segment ni James Blanco sa Mars Pa More video sa itaas o dito.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.
Samantala, silipin ang most viewed episodes ng Mars Pa More noong 2021 sa gallery na ito.