GMA Logo Sam YG
What's on TV

Sam YG, ibinahagi ang kanyang pandemic achievements

By Dianne Mariano
Published May 31, 2022 7:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sam YG


Ano kaya ang pandemic achievements ni celebrity host Sam YG? Alamin ang kanyang sagot DITO.

Ibinahagi ni celebrity host Sam YG, o Samir Gogna sa tunay na buhay, sa episode ng Mars Pa More ang kanyang mga pandemic achievement.

Isa sa mga achievements ng Filipino-Indian persionality ngayong pandemya ay ang pagiging newly married man. Matatandaan na ikinasal si Sam at ang kanyang girlfriend na si Essa Santos nitong March.

Ginanap ang wedding ceremony nina Sam at Essa sa St. Benedict Church sa Silang, Cavite.

Tinanong naman ni Pars Kim Atienza kung nagdadalang-tao na ba ang asawa si Sam.

“Well, hindi pa pero newly married two months, roughly. Parang the butterflies are there tapos we just moved in sa place namin. So, a lot of exciting things, getting the hang of the married life,” sagot ni Sam.

PHOTO COURTESY: MARS PA MORE (show page)

Dagdag pa niya, “At saka mabait na ako ngayon. Mas mabait na ako ngayon.”

Taong 2018, naging opisyal na magkasintahan sina Sam at Essa at nag-propose ang former Eat Bulaga host sa kanyang non-showbiz girlfriend noong January 2021.

Alamin ang pandemic achievements nina Sam YG at Rico Robles sa Mars Pa More video sa ibaba.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

Samantala, silipin ang wedding photos nina Sam YG at Essa Santos sa gallery na ito.