What's on TV

Zephanie, ikinuwento ang kanyang unang 'heartbreak'

By Dianne Mariano
Published June 9, 2022 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Ano kaya ang nangyari sa “first heartbreak” ni Kapuso singer Zephanie? Alamin ang kanyang kuwento rito.

Ikinuwento ni Kapuso singer Zephanie ang kanyang itinuturing na “first heartbreak” sa “Iyak Tawa” segment ng Mars Pa More kamakailan.

Ayon sa 19-anyos na singer, naranasan nito ang unang heartbreak noong siya'y natalo sa kauna-unahang singing competition na kanyang sinalihan.

PHOTO COURTESY: gmamarspamore (IG)

Kuwento niya, “Noong sumali ako sa first-ever singing competition ko po on national TV, do'n ko po na-experience 'yung parang masasabi ko na first heartbreak. Siguro noong time na 'yun talagang nag-expect ako or umasa ako na… alam ko sa sarili ko na kaya kong umabot sa finals. And bilang isang bata po, very hopeful, very optimistic 'yung [pananaw sa buhay]."

“Parang nagkaroon ng disappointment sa sarili ko and na-question ko 'yung ability ko po sa pagkanta, and 'yung believe ko po sa sarili ko na kaya ko ba talaga or ano bang pagkukulang ko do'n sa journey ko po sa contest na 'yon,” patuloy niya.

Ibinahagi rin ng singer-songwriter na pakiramdam nito ay na-disappoint niya ang kanyang pamilya at ang mga naniniwala sa kanya noon.

Para kay Zephanie, ang naging turning point ng karanasan niyang 'yon ay noong hinikayat siya ng kanyang pamilya na sumali ulit sa mga competition.

Matapos ang dalawa hanggang tatlong taon, muling sumali si Zephanie sa ibang singing contest ngunit isa na naman daw itong heartbreak.

Noong sumunod na taon, nagkaroon muli ng isa pang oportunidad ang Sparkle singer at sumali ito sa bagong competition.

Aniya, “Sabi ko talaga po, 'Last na 'to' Wala na po akong planong sumali pero sabi ko, 'Sige, last na. Kung ano man mangyari baka ito 'yung will ni Lord for me. At kung ito 'yung path na para sa akin, lagi akong ibabalik ni Lord dito.' It turned out na 'yun pala 'yung pinaka-opportunity na mag-oopen ng doors for me.”

Panoorin ang buong 'Iyak Tawa” segment ng Mars Pa More sa video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Zephanie sa gallery na ito.