GMA Logo aling nena
What's on TV

Aling Nena, nilaglag sina Iya Villania, Camille Prats, at Betong Sumaya?

By Racquel Quieta
Published July 28, 2020 7:44 PM PHT
Updated August 5, 2020 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

aling nena


Ano ang mga ibubulgar ni Aling Nena tungkol sa 'Mars Pa More' hosts na sina Iya at Camille, pati sa Kapuso comedian na si Betong? Alamin DITO:

Ang public school teacher-turned-internet sensation na si Richo Bautista, more popularly known as Aling Nena, may mga ibinulgar kamakailan sa kanyang Facebook post tungkol kay Mars Pa More hosts Iya Villania at Camille Prats, pati kay Kapuso comedian Betong Sumaya.

Source: @Alingnena14 (FB)

Sa video na kanyang inupload, ikinuwento niya ang mga naging komento raw ni Aling Nena tungkol sa mga nabanggit na Kapuso celebrities.

'Di umano ay boses paniki at hindi raw kagwapuhan si Betong.

Samantalang, si Iya naman daw ay maarteng magsalita dahil Australian accent pa raw ang gamit sa pagbigkas ng pangalan ng anak niyang si Primo.

At, si Camille naman daw ay hindi katangkaran at 'di rin daw kagandahan kapag walang makeup.

Panoorin nang buo ang paglaglag 'di umano ni Aling Nena sa mga Kapuso stars sa video na ito.

Ano kaya ang banat ng mga mars sa patutsada ni aling Nena? Abangan sa mars pa more" 😁

Posted by Aling Nena on Monday, July 27, 2020

Ano kaya ang magiging reaksyon nina Mars Iya, Mars Camille, at Pars Betong sa mga pahayag ni Aling Nena?

Tutukan ang tapatan nila ngayong Miyerkules ng umaga sa Mars Pa More, 8:50 a.m. sa GMA-7.

RELATED:

DJ Loonyo gives mini-tour of Hangzhou, China post-lockdown in Mars Pa More

'Mars Pa More' brightens up mornings with fresh, exciting episodes