
Inamin ni Kapuso actress Bianca Umali na nakaramdam siya ng kaba at bahagyang na-overwhelm noong unang iprinisita sa kanya ang kanyang role sa upcoming cultural drama series na 'Legal Wives.'
Ang 'Legal Wives' ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Maranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.
Gaganap si Bianca bilang isa sa tatlong asawa.
Source: bianxa IG
Naikuwento ng aktres ang naging first impression niya sa kanyang role nang mag-guest sa morning talk show na Mars Pa More.
"When they showed me, noong pinresent po sa akin 'yung role, I was actually kind of nervous noong nalaman kong magiging isa kong Muslim. I will be the third and the youngest wife in the story. Nakaka-overwhelm kasi parang ang laki laki ng role," paliwanag ni Bianca.
Sinikap daw niya at ng produksiyon na maging sensitibo sa pag-portray ng mga karakter at istorya ng mga taong mula sa ibang kultura.
"It is a very sensitive topic but still I was excited. I prepared for it through napakaraming research. We had workshops with talagang Muslim people that would teach us about the culture, their religion, everything about it. It was actually a long process pero napakasaya," kuwento niya.
Dahil isa na namang cultural drama series ang kanyang upcoming project, hinirang ng mga netizens at mga fans bilang 'epic-serye princess' si Bianca.
Matatandaang si Bianca ang lead star sa Sahaya, isa GMA Telebabad series na tungkol sa kultura at mga isyung hinaharap ng mga Badjaw.
Bukod kay Bianca, bahagi din ng Legal Wives sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Andrea Torres, Alice Dixson at marami pang iba.
Samantala, silipin ang maganda at malawak na resort na nagsisilbing set ng lock in taping ng serye sa gallery na ito.