
May bonggang advanced birthday celebration ang 'Mars Pa More' para sa host na si Iya Villania sa Lunes, June 28.
June 29 pa ang actual birthday ng TV host at mom-of-3 na si Iya, na cancer ang zodiac sign.
Ngunit mas maaga ang celebration niya sa 'Mars Pa More' ng isang araw, kasama ang co-host na si Camille Prats at ilang pang celebrities na malapit sa kanyang puso.
Ano ang mga dapat abangan sa special birthday episode ni Mars Iya? / Source: @iyavillania (IG)
Kabilang sa mga bigating celebrities na parte ng birthday celebration ni Iya ay sina Judy Ann Santos at Jericho Rosales.
Siyempre, makikisaya rin ang hubby ni Iya na si Drew Arellano at ang matalik niyang kaibigan na si Ryan Agoncillo.
Sina Judy Ann Santos at Jericho Rosales, mapapanood sa birthday episode ni Mars Iya / Source: @officialjuday and @jerichorosalesofficial (IG)
Bukod pa riyan, may fun camping bonding din sina Mars Iya at Camille kasama ang isa sa closest friends ng birthday girl, si Hannah Olives of Session Road.
Abangan ang masayang chikahan session na may kasamang touching moment, sa advanced birthday celebration ni Mars Iya Villania.
Ngayong Lunes na 'yan, June 28, sa 'Mars Pa More,' 8:45 a.m. sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Tingnan ang ilan sa lovely photos nina Iya Villania, Drew Arellano at ng kanilang tatlong anak sa gallery na ito.