What's on TV

Kiray Celis, nais magpatayo ng mas magandang bahay para sa mga magulang

By Dianne Mariano
Published July 30, 2021 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kiray celis


Isa sa mensahe ni Kapuso actress Kiray Celis para sa kanyang future self ay mapagpatayuan ng mas magagandang bahay ang kanyang mga magulang.

Nais raw ni Kiray Celis na makapagpatayo ng mas magandang tirahan para sa kanyang nanay at tatay balang araw.

Sa “Mars Sharing Group: Mailbox to the Future” segment ng Mars Pa More kamakailan, nagbigay ng mensahe sina Iya Villania, Camille Prats, Pokwang, Chef Jose Sarasola, at Kiray para sa kanilang future selves.

Sabi ng comedy actress, “To my future self, una sa lahat, ayoko mangako kasi napapako. Pero para sa akin, mas babawi ako ng oras sa parents ko [at] sa family ko.”

“Papatayuan ko pa ng mas magandang mga bahay si mama at papa,” dagdag pa niya.

Ibinahagi din ng 27-anyos na aktres na ibibigay pa niya ang lahat ng makakaya para sa kanyang mga pamangkin.

Aniya, "Bibigay ko pa ang lahat ng kaya ko sa mga pamangkin ko. O, di ba, nanay na nanay.”

“At huwag kakalimutan syempre ang sarili mo. Mag-ipon ka rin at sa panahon na ito, naka-ipon ka na para sa sarili mo.”

“Good luck and enjoy life because life is short kagaya mo,” nakatutuwang ibinahagi ni Kiray.

Ayon kay Pokwang, blessed si Kiray dahil sa pagiging makapamilya niya.

“Feeling ko talaga, parang kaya ako nabuhay sa mundong ito [ay] para sa pamilya,” ani Kiray.

Kahapon, Hulyo 29, ipinagdiwang ng Kapuso actress ang kanyang ika-27 na kaarawan at ipinost ang kanyang seksi na mga larawan sa Instagram.

Isinulat niya sa caption, “27 ang edad.. 7 ang height.. HAHAHAHAHA! Salamat @arabellavillas! Napaka ganda ng place niyo. Super enjoy ang family ko.”

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Isa ring nakatutuwa at nakakikilig na pangyayari ang naganap noong kaarawan ng Kapuso star at ito ay ang sweet na sorpresa mula sa kanyang boyfriend na si Stephen Estopia.

Makikita sa Instagram post ng dating Owe My Love actress ang napakaganda at nakakakilig na effort na ginawa ng kanyang boyfriend para maipakita ang pagmamahal sa kanya.

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Maliban dito, nakatanggap ang Kapuso star ng higit pa sa 100 na Spongebob-themed cakes mula sa kanyang fans at supporters para sa kanyang kaarawan.

Muling balikan at tingnan ang happy and humble home ni Kiray Celis sa gallery na ito: