
Sa romantic comedy Thai series na Me Always You na hango sa Korean series na She Was Pretty, mapapanood ang famous pop singer at actress na si Fang Dhanantorn Neerasingh.
Unang nakilala si Fang sa entertainment industry bilang isa sa miyembro ng Thai girl group na Faye Fang Kaew noong 2007.
Pagbibidahan ni Fang ang karakter ni Abigail, ang babaeng hahayaang maging komplikado ang isang sitwasyon para lang maitago ang kanyang tunay na pagkatao.
Sa pinakabagong Lakorn series na ito, makakatambal ng aktres ang Thai actor na si Pae Arak Amornsupasiri na gaganap bilang si Kevin, ang first love ni Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh).
Sabay-sabay nating subaybayan kung paano mapagtatagumpayan ni Abigail ang mga problema niya sa kaniyang sarili at pati na rin sa kanyang love life.
Huwag palampasin ang panibagong kakikiligan ng mga manonood, ang Me Always You, ipapalabas na sa GTV sa darating na May 10, 2:45 p.m.
Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Samantala, kilalanin ang iba pang Thai stars na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: