
Bukod sa nalalapit na pagbubukas ng Sunday fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko na pinagbibidahan ni Ms. Gloria Romero, abala din siya sa isa pang GMA program na gabi-gabing nagpapakilig sa mga TV viewers, ito ay ang Meant To Be.
Sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ni Ms. Gloria na masaya siya sa role niya bilang millenial lola kahit na minsan ay hindi niya naiintindihan ang mga salita ng mga millenials.
"...May mga shortcut pang dialogue, ang sabi ko 'ano ang ibig sabihin...' para mai-react ko naman," kuwento niya.
Puring-puri rin nito ang Meant To Be co-star na si Barbie Forteza.
"Lalo siyang gumagaling na artista ngayon. Ang gusto ko sa kanya 'yung mga facial expressions niya. Hindi siya nag-iisip, talagang very, very spontaneous."
Panoorin ang buong report dito:
MORE ON MS. GLORIA ROMERO:
WATCH: Gloria Romero, masaya sa kanyang bagong proyekto na 'Daig Kayo ng Lola Ko'
WATCH: Gloria Romero, binalikan ang kanyang karanasan bilang extra