
Sa interview ni Ivan Dorschner with the press sa thanksgiving party ng Meant To Be, naikuwento ng aktor na mas naging close sila ni Barbie dahil sa show. Aniya, marami siyang ma-miss once mag-finale na ang show.
Ika niya, "Natupad naman namin 'yung gusto namin mangyari sa show bilang two actors na magkatrabaho sa isang project kasi nagkatrabaho kami nung Maynila pa lang. Noong nalaman namin na we're gonna work together again, and maganda naman 'yung naging pinagsamahan namin dati, parang dream come true to be working together for the betterment ng Philippine showbiz industry."
Isa rin daw sa ma-mi-miss niya ay ang schedule nila. Ang cast ng Meant To Be ay hindi lang busy sa taping, may TV guestings at mall shows din silang pinupuntahan. Aniya, "'Yung schedule namin, I will miss it. Kahit nakaka-dedicate siya ng buhay. Ma-mi-miss ko 'yung production namin."
Hanggang ngayon din daw ay hindi pa nag-si-sink in kay Ivan na patapos na ang show.
Dagdag pa niya, "Kasi sobrang naging playground 'yung set namin. Sumosobra nga kami minsan kasi napapagalitan kami ni Direk, kasi we're so playful all the time. Pero naniniwala po ako na doon nanggagaling 'yung magic ng Meant To Be. Sobrang parang free kami sa eksena na magagawa namin 'yung mga subtle na scenes, pero may parang iba."
Abangan ang kilig finale ng Meant To Be, ngayong June 23 na!