TV

EXCLUSIVE: Ken Chan, magiging kapareha ba ni Barbie Forteza o ni Ayra Mariano sa 'Meant To Be'

By Gia Allana Soriano

Sa isang exclusive interview with Ken Chan during their dinner with Meant To Be fans, naikuwento ni Ken kung ano'ng mararamdaman niya kung siya ang pipiliin ni Billie sa Meant To Be.

Aniya, "Sobrang saya, ang sarap sa pakiramdam nun. Feeling ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, kung ako ang pipiliin ni Billie."


Bilang Ken Chan ba or bilang Yuan?

Sagot naman ni Ken, "Both! Both."

Pero paano kung hindi siya ang piliin ni Billie?

 

 

Ika ni Ken, "I'll be happy for her."

Paliwanag niya, "Ang pagmamahal kasi hindi selfish. Ang love basta hindi man niya makita 'yung kaligayahan niya sa akin, hindi ko hahadlangan 'yun. Kung makita man niya sa iba, matatangap ko 'yun. Ang importante sa akin ay makita siyang masaya kahit iba 'yung kasama niya. And that's the love na pinapakita ko kay Billie, mamahalin ko siya habang buhay."

Pero ano itong kasama niya si Nikki (Ayra Mariano)? May something ba sila? May mangyayari ba para mahadlangan ang happy ending sana nila ni Billie?

Diin ni Ken, "We're just friends. 'Tsaka nandiyan siya para sa mga anak ko. Kay Luke and kay Leia. And nakakatulong siya, actually, si Nikki ang nagpu-push sa akin na galingan ko pa, and 'wag akong susuko kay Billie."

Si Ken na nga ba ang ka-Meant To Be ni Billie? Abangan sa kilig finale this June 23!