
Sa pagtatapos ng Meant To Be ngayong linggo, binahagi ni Ken Chan ang mga nagbago sa buhay niya dahil sa show na ito.
Aniya, "Kung dati nakakapasyal pa kami ng mag-isa, ngayon we can't, kasi nandiyan 'yung mga sumusuporta sa amin, lagi silang nandiyan. And nakakatuwa naman na, alam mo 'yun, ang sarap sa feeling na dinudumog ka. And napag-usapan naming apat 'yun na, 'bro, this is it.' And until now sobrang flattered kami, and thankful kami sa pagtanggap ng tao sa amin. And kahit saan kami pumunta tinatawag kami ng tao sa character names namin: Yuan, Ethan, Jai, Andoy, ibig sabihin nun hooked sila sa Meant To Be."
Marami rin daw natutunan si Ken dahil very diverse ang culture at bansa na pinanggalingan ng cast. Si Ken ay may Chinese blood, si Jak ay pure Pinoy, si Addy ay pure Indian, at si Ivan ay isang Filipino-American.
Paliwanag niya, "Maraming nagbago sa pananaw ko. Natutunan ko ang iba't ibang kultura [gaya] ng Indian [kay Addy Raj,] ng Western [kay Ivan Dorschner,] ng mga Pinoys [Jak Roberto,] and nakapag-share rin ako ng kultura ng mga Chinese sa mga nakasama ko."
Si Ken bilang Yuan Lee na ba ang magiging ka-Meant To Be ni Barbie Forteza bilang Billie? Abangan sa Meant To Be ngayong gabi!