GMA Logo addy raj on meant to be
What's on TV

Addy Raj, nagpasalamat sa mga nanood muli ng 'Meant To Be'

By Maine Aquino
Published September 25, 2020 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

addy raj on meant to be


Binansagang "Primetime Subtitle King" si Addy Raj ng direktor ng 'Meant To Be.'

Puno ng pasasalamat si Addy Raj sa mga muling nanood ng Meant To Be sa GMA Network.

Ang Meant To Be ay ang romantic-comedyseries nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ken Chan, Addy Raj, at Ivan Dorschner noong 2017.

Muli itong ipinalabas sa GMA Network ngayong 2020.

Saad ni Addy sa kanyang Instagram post, "Maraming salamat dahil hinayaan niyo kaming pasayahin kayo sa ikalawang pagkakataon! "

Si Addy ay gumanap na Jai Patel sa Meant To Be.

Maraming salamat dahil hinayaan niyo kaming pasayahin kayo sa ikalawang pagkakataon! 😁 #MeantToBe

A post shared by 🅰🅳🅳🆈 🆁🅰🅹 (@addyrajofficial) on

Samantala, may nakatutuwang comment naman ang direktor ng Meant To Be na si LA Madridejos.

Direk LA Madridejos and Addy Raj

Saad niya sa post ni Addy, "Ikaw ang nag iisang primetime subtitle king! Tandaan mo yan. Haha. Congrats bro! Solid run!

Sagot naman ni Addy, "hahaha. Nakakamiss nga eh! Kahit "huh" may subtitles pa rin."

Kamakailan lang ay napanood si Addy sa Descendants of the Sun para sa kanyang pagganap bilang Brunei royal Alif Fayad.

Abala rin si Addy sa paggawa ng videos sa kanyang YouTube channel.

Addy Raj reveals he had to live separately from his father during ECQ