GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Zephanie, palagay na ang loob sa limang bida ng 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 27, 2024 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Ano kaya ang masasabi ni Zephanie sa limang bida ng 'Mga Batang Riles' na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon?

Lubos na nagpapasalamat si Zephanie dahil madali niyang nakalagayan ng loob ang limang bida ng upcoming GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

Kuwento ni Zephanie, magaan ang mood sa set ng Mga Batang Riles kaya hindi nagtagal ay nagagawa na niyang makipagbiruan kina Miguel, Kokoy, Bruce, Raheel, at Antonio.

"Balance naman po 'yung kulit tsaka 'yung seryoso 'pag nasa tent kami. Minsan tumatambay po ako sa kanila 'pag break, tapos nagjo-joke minsan, ta's minsan din sina Miguel, nagbibigay ng mga advice," saad ni Zephanie sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Pero 'yun lang, talagang mapang-asar lang sila. Actually, si Antonio 'yung lagi naming inaasar, sorry Antonio."

Nagbibiruan man sila sa likod ng kamera, 'pag nagsimula na ang trabaho ay nag-iiba na ang persona nina Miguel, Kokoy, Burce, Raheel, at Antonio.

"'Pag action na, talagang kita mo na seryoso sila, work mode po talaga. And, knowing nga po na mga action scenes sila, talagang nakakabilib po makita."

Panoorin ang buong panayam ni Zephanie sa 24 Oras DITO:

Sa Mga Batang Riles, gagampanan ni Zephanie ang darling diva ng Sitio Liwanag na si Mutya.

Kasama rin sa Mga Batang Riles sina Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Roderick Paulate, Jay Manalo, Jeric Raval, Desiree Del Valle, at Ms. Eva Darren.

Mapapanood din sa Mga Batang Riles sina Zephanie, Dave Bornea, Faye Lorenzo, Migs Villasis, Miggy Tolentino, Seb Pajarillo, Krissha Viaje, Jomar Yee, at Spencer Serafica.

Abangan ang world-premiere ng Mga Batang Riles, aarangkada na sa January 6, 8:00 p.m. sa GMA Prime.