GMA Logo Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, bakit nahirapan sa isang maaksyong eksena sa 'Mga Batang Riles?'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 6, 2025 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles


"Ang sarap niyang gawin, pero nakakapagod," saad ni Miguel. Anong eksena kaya ang tinutukoy niya dito?

Aminado ang aktor na si Miguel Tanfelix na nahirapan siya sa isang eksena sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.

Bumisita ang Unang Hirit sa set ng Mga Batang Riles at dito nakuwento ni Miguel na mayroong isang maaksyong eksenang lubhang nagpahirap sa kanya.

Aniya, "Action scene, tapos binigyan kami ng freedom ni Direk [Richard Arellano] na kami mismo 'yung gumawa ng choreography."

"So, ang sarap niyang gawin, pero nakakapagod."

Sa Unang Hirit, pinakita rin nina Miguel, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Antonio Vinzon, at Miggy Tolentino kung paano nakikipag-away ang kanilang mga karakter sa Mga Batang Riles.

Panoorin ang buong panayam ng mga bida ng Mga Batang Riles sa Unang Hirit DITO:

Narito ang pasilip sa inaabangang world-premiere ng Mga Batang Riles mamayang 8:00 p.m. sa GMA Prime: