
Umarangkada na kagabi, January 6, ang unang pasabog ngayong taon ng GMA Prime na Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.
Nagsimula na ang laban ng mga nakatira sa Sitio Liwanag sa pangunguna ni Maying (Diana Zubiri) at Ima Hana (Eva Darren) laban sa malaking korporasyon na gustong angkinin ang kanilang lupain.
Nakasalamuha na rin ni Kidlat (Miguel) sina Sig (Raheel) at Dags (Antonio) sa Sitio Liwanag ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila.
Unang episode pa lang ng Mga Batang Riles ay ramdam na kaagad kung gaano nito ka-drama at ka-aksyon kaya naman pinag-usapan ito sa iba't ibang social networking sites.
Ganda ng #MgaBatangRilesWorldPremiere Miguel Tanfelix is on ❤️🔥 as expected naman talaga. This is how Basagulero-Coded show should be done! Also, nakaka aliw panoorin si Antonio Vinzon 😂 what a way to start this year! Congrats @GMADrama 🫶🏻 https://t.co/njgejeT8K2
-- SANEMI (@ShinazugawaBaby) January 7, 2025
Wow👏
-- Clarence (@Claire_299) January 6, 2025
Malalim ang kwento.
Akala ko literal na kwento lang ng mga batang riles hahaha#MgaBatangRilesWorldPremiere
Congratulations sa first episode ng #MgaBatangRilesWorldPremiere what a great action pack series that have done pero may isa akong natutunan na at hindi ko talaga makakalimutan quote from the show "ANG TUNAY NA MATAPANG, PUMIPILI NG LABAN" 💪 Congrats ulet
-- Emmanuel Prado - New (@emprado21) January 6, 2025
Promising ang tv series na to... you can't deny talaga ang Husay ni Miguel tanfelix and ang pleasing ng appearance ni Miguel.. 😁😊#MgaBatangRilesWorldPremiere
-- Kristen candy (@CandyKristen) January 6, 2025
Tamang timpla lang ng acting from the whole cast, so far. #MgaBatangRilesWorldPremiere assembled a reliable cast who fit their roles really well. Lavet.
-- Idiot Poet (@BobOng_Makata) January 6, 2025
Sa katunayan, trending ang ilang kataga galing sa Mga Batang Riles sa X, na dating Twitter.
Number 1 top trending topic sa X Philippines ang official hashtag na #MgaBatangRilesWorldPremiere, samantalang pumasok rin sa trending topics sina Kidlat at Kulot, ang mga karakter nina Miguel at Kokoy.
Sa ikalawang episode ng Mga Batang Riles, isang trahedya ang yayanig sa Sitio Liwanag. Sino kaya ang may kagagawan nito?
Tuloy-tuloy na sumama sa biyahe ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.