
Marami ang humahanga sa aktor na si Miguel Tanfelix pero ang kanyang number 1 fan ay walang iba kung hindi ang kanyang inang si Grace Tanfelix.
Sa isang video sa Facebook, pinakita ni Grace kung paano niya sinuportahan ang Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.
"Ako nga pala ang number 1 fan at number 1 basher ni Miguel!" pagbibiro ni Grace sa caption.
Sa episode ng Mga Batang Riles ngayong gabi, January 13, magsisimula na ang sunog na babago sa buhay ng mga taga-riles.
Ano kaya ang gagawin ng karakter ni Miguel na si Kidlat at ng kanyang inang si Maying (Diana Zubiri)?
Tuloy-tuloy na sumama sa laban ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.