GMA Logo Mga Batang Riles ratings
What's on TV

'Mga Batang Riles,' panalo sa ratings at trending sa X

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 21, 2025 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles ratings


Panalo sa ratings ang 'Mga Batang Riles' at isa rin ito sa top trending topics sa X Philippines.

Parami nang parami ang sumusubaybay sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

Talagang tinutukan ng mga manonood ang episode ng Mga Batang Riles noong Lunes, January 20, kung saan nawala na ang paghihinala ng mga taga Sitio Liwanag na sina Kidlat (Miguel), Sig (Raheel), at Dags (Antonio) ang nagsimula ng sunog sa kanilang lugar.

Dahil sa nangyayari sa Sitio Liwanag at pagkakaisa ng mga tao na nakatira dito, panalo ang Mga Batang Riles sa ratings at trending rin ito sa X, na dating kilala bilang Twitter.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ang Mga Batang Riles ng 7.9%, mas mataas sa 4.5% na nakuha ng katapat nitong programa.

Trending naman sa X Philippines ang 'Mga Batang Riles' at 'Kidlat.'

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Paano kaya lilinisin nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags ang kanilang pangalan ngayong nasa loob sila ng juvenile center na Boys Town?

Patuloy na sumama sa barkadagulan nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.