GMA Logo Miguel Tanfelix, Dave Bornea
Source: Mga Batang Riles, gmanetwork/YT
What's on TV

Miguel Tanfelix, Dave Bornea, ginawa ang choreography ng fight scene nila sa 'Mga Batang Riles'

By Kristian Eric Javier
Published January 27, 2025 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix, Dave Bornea


Pinatunayan nina Miguel Tanfelix at Dave Bornea na marami na silang natutunan sa paggawa ng fight scenes.

Matindi ang naging bakbakan nina Miguel Tanfelix at Dave Bornea sa huling episode ng action drama series na Mga Batang Riles. Katunayan, marami ang humanga sa galing nila sa action scenes ng naturang episode. Pero ang mas nakakahanga pa sa eksena, ang dalawang bida mismo ang nag-choreograph ng kanilang eksena.

Sa episode 13 ng serye nitong Biyernes, January 24, makikita na hinahamon ni Ssob (Dave) si Kulot (Kokoy de Santos). Ito ay dahil sinubukang kunin ni Kulot ang relong suot mismo ni Ssob, na unang kinuha sa kanya.

Para protektahan ang kanyang kaibigan ay si Kidlat (Miguel) ang humarap kay Ssob. Dito ay ipinamalas ng dalawang magkatunggali ang kanilang galing, lakas, at bilis sa pakikipaglaban.

Sa huli ay nanalo si Kidlat at naibalik kay Kulot ang kanyang relo, at tinanghal ang kanyang kaibigan bilang pinakabagong hari ng Boys' Town.

Matatandaang puspusan ang pagsasanay nina Miguel, Kokoy, Dave, at iba pa nilang co-stars sa Filipino martial arts na Pekiti-Tirsia Kali bilang paghahanda sa kani-kanilang roles.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGSANAY DIN SA MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO:

Sa naturang eksena napatunayan nina Miguel at Dave na nagbunga na ang kanilang pagsasanay, at kung gaano na karami ang kanilang karunungan hindi lang sa martial arts na kailangan para sa serye, kundi maging sa paggawa ng fight scenes.

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.

Balikan ang buong eksena dito: