
May bagong gagabay sa Mga Batang Riles na sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Antonio Vinzon) ngayong pumasok na si Bayani (Ronnie Ricketts) sa Boys Town.
Anak ni Ima Hana (Eva Darren) si Bayani na lumaki rin sa Sitio Liwanag katulad ng Mga Batang Riles.
Sa unang araw ni Bayani sa Boys Town, agad niyang tinuruan ng basic martial arts ang mga batang nasa loob ng juvenile.
Lumaki rin si Bayani sa Sitio Liwanag pero magiging kakampi kaya siya nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags sa paghahanap ng hustisya sa sumunog sa kanilang lugar?
Patuloy na sumama sa paghahanap ng hustisya nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.