
Dalawang bagong karakter ang papasok sa GMA Prime drama action series na Mga Batang Riles na gagampanan nina Aiai Delas Alas at Caitlyn Stave.
Gagampanan ni Aiai ang yaya ni Chelsea, ang karakter naman ni Caitlyn.
"Kakakita ko pa lang kay Miguel Tanfelix, the baby boy, isa 'yan sa mga paborito ko sa GMA. Ngayon binatang-binata na," saad ni Aiai sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
"Yaya ako ni Chelsea, tapos parang ako na 'yung nagpalaki sa kanya, parang ako na 'yung naging mommy niya."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras DITO:
Sa Mga Batang Riles, kasalukuyan pa ring nasa loob ng Boys Town sina Kidlat (Miguel), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Antonio Vinzon).
Mapapanood ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.