
Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nagkaroon na ng kumpirmasyon ang haka-haka ng mga manonood na si Kidlat (Miguel Tanfelix) ay anak nina Maying (Diana Zubiri) at Rendon (Jay Manalo).
Sa episode kagabi, February 17, tahasang sinabi ni Rendon kay Maying na hindi na niya palulusutin si Kidlat kapag kinalaban siyang muli nito, kahit na anak niya ito.
Balikan ang nakakagulat na tagpong 'yan sa Mga Batang Riles:
Dati sa kumpirmasyong ito, marami ang natuwa sa unang pasabog ng Mga Batang Riles sa simula ng linggo.
Gets ko na bat matapang si Kidlat namana niya kay Rendon tas yung pagiging mabait kay Maying nakuha
-- Mia Shane Mendoza ,Team Anji💛, Joshua G♥️LQ❤ EC♥️ (@Shane_mendoza3) February 17, 2025
what a great way to start the week! grabe ang pasabog, anak pala nina maying at rendon si kidlat!#MBRTikas #MgaBatangRiles
-- cci. 🌊 (@ccifiles) February 17, 2025
Ano kaya ang gagawin ni Kidlat kapag nalaman niyang buhay si Maying at ama niya si Rendon?
Patuloy na tumutok sa pa-aksyon na pa-aksyon na Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.