
Sa paglaya nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) mula sa Boys' Town, dumaan muna sila simbahan ng Quiapo bago umuwi sa Sitio Liwanag.
Nakalaya na ang apat sa juvenile center kung saan sila namalagi nang tatlong taon dahil napagbintangan silang nagsimula ng sunog sa Sitio Liwanag.
Sa pag-uwi nila sa Sitio Liwanag, may bagong barkada na ang naghahari-harian sa riles, ang Asero Boys na sina Jun-jun (Abed Green), Toteng (Kim de Leon), at Onyok (Jay Arcilla).
Ano kaya ang mangyayari ngayong magsasalpukan ang dalawang grupo sa riles?
Patuloy na tumutok sa paaksyon na paaksyon na Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.