
Bukod sa kanyang social media accounts, mapapanood na rin sa telebisyon si Mommy Grace Tanfelix, ang ina ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix, sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Pumayag si Mommy Grace na puntahan ang Mga Batang Riles sa Sitio Liwanag kung saan naninirahan sina Kidlat (Miguel), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon).
Ipagluluto kaya ni Mommy Grace ang Mga Batang Riles at papatikimin ng kanyang mga putahe? Ano kaya ang magiging papel niya sa Sitio Liwanag?
Panoorin ang Mga Batang Riles' Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.