
Mula social media, nakatawid na rin sa telebisyon ang ina ni Miguel Tanfelix na si Grace Tanfelix, na nakilala sa kanyang cooking videos at linyang “Okay na 'to.”
Nitong nakaraang linggo, nagkaroon ng cameo role si Mommy Grace sa action-drama series na Mga Batang Riles, kung saan isa sa mga bida ang kanyang anak.
Sa isa niyang Facebook video, makikita si Mommy Grae na tuwang-tuwang pinapanood ang sarili kasama ang MBR boys na sina Miguel, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, and Anton Vinzon.
Sa naturang eksena, nakausap pa niya ang kanyang mismong anak, na gumaganap bilang si Kidlat
Linya ni Mommy Grace kay Kidlat, “Kidlat, parang di ka kumain? Di ba, okay?”
Nakangiti naman itong sinagot ni Kidlat, “Di, okay ho. 'Tapos na ho akong kumain at saka may iniisip lang.”
Panoorin ang reaksiyon ni Mommy Grace dito:
Samantala, mamayang gabi ay mapapanood ang mag-inang sina Grace at Miguel sa weekly magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Tingnan ang mga bida sa GMA Prime action-drama series na Mga Batang Riles: