GMA Logo Paolo Contis
What's on TV

Paolo Contis at isang young actress, mapapanood na rin sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 6, 2025 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Magiging kaaway o kakampi kaya ng Mga Batang Riles ang karakter na gagampanan ni Paolo Contis?

Mapapanood sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles ang komedyanteng si Paolo Contis at isang young actress na hindi pa pinapangalanan.

Ang kasalukuyang misyon ng Mga Batang Riles ay ma-rescue ang mga bata na ginagawang organ donors. Magiging kakampi o kaaway kaya nila ang karakter na gagawin ni Paolo?

"Hindi namin alam kung masama ba talaga siya o magpapanggap na masama lang," patikim ni Kokoy de Santos sa karakter ni Paolo.

Dagdag ni Miguel Tanfelix, "Malay natin nakakatawa siya, hindi natin alam. O kaya, dahil magaling din sa drama si Kuya Pao, baka drama rin 'yung ibigay sa kanya."

Excited naman si Anton Vinzon na makatrabaho si Paolo dahil matagal na niya itong hinahangaan.

"First time ko makatrabaho si Sir Paolo Contis, so gusto ko abangan ko kung paano siya umeksena kasi super na-starstruck ako nung nakita ko siya sa Bubble Gang dati," saad ni Anton.

Bukod kay Paolo, may isang sikat at magandang young actress din ang mapapanood sa Mga Batang Riles. Hindi pa ito pinapangalanan pero inaasar na ito nina Miguel, Kokoy, at Anton sa kaibigan nilang si Raheel Bhyria.

Ani Raheel, "Kung sino man po 'yun, e, 'di sana, makatrabaho ko po siya nang maayos."

Sundot na tanong ni Kokoy, "Aba dati ba, hindi maayos?"

Sagot ni Raheel, "Mas maayos. Hindi ko naman kilala kung sino 'yun."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras DITO:

Sino kaya ang young actress na inaasar nila kay Raheel? Tumutok lang sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.