GMA Logo Bruce Roeland and Paolo Contis in Mga Batang Riles
What's on TV

Matos at Jackson, na-takeover na ang sindikato ni Mr. Fang

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 18, 2025 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH's Herbosa: Letting kids buy, use firecrackers like child abuse
Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Bruce Roeland and Paolo Contis in Mga Batang Riles


Napatumba na nina Matos (Bruce Roeland) at Jackson (Paolo Contis) ang lider ng sindikato na si Mr. Fang (Levi Ignacio).

Talagang mapapalaban ang Mga Batang Riles () ngayong nagtagumpay sina Matos (Bruce Roeland) at Jackson (Paolo Contis) na patumbahin si Mr. Fang (Levi Ignacio).

Galit si Matos kay Mr. Fang dahil patuloy nitong ginigipit ang kanilang pamilya, samantalang may sama ng loob si Jackson sa kanya dahil sinarili niya ang sindikatong itinatag nila ng ama ni Jackson.

Samantala, patuloy pa rin si Kidlat (Miguel Tanfelix) sa paghahanap sa kanyang inang si Mayi (Diana Zubiri) kahit walang naniniwala sa kanyang buhay ito.

Makita kaya ni Kidlat ang kanyang inang ngayon ay nagpapakala-kalat lang sa lansangan?

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.