GMA Logo Miguel Tanfelix and Diana Zubiri in Mga Batang Riles
What's on TV

Mag-inang Maying at Kidlat, nagkasama nang muli sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 11, 2025 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Diana Zubiri in Mga Batang Riles


Ginawa ni Kidlat (Miguel Tanfelix) ang lahat para makasamang muli ang kanyang inang si Maying (Diana Zubiri).

Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, ginawa ni Kidlat (Miguel Tanfelix) ang lahat para lang muli niyang makasama ang ina niyang si Maying (Diana Zubiri) na ilang taon niyang hindi nakita.

Sa ilang taon ay marami ang naniniwala na pumanaw na si Maying sa nangyaring sunog sa Sitio Liwanag. Tinangka pa ni Argus (Jeric Raval) na ilayo ang mag-ina sa isa't isa pero buti na lang ay nandoon si Bayani (Ronnie Ricketts) para tulungan si Kidlat.

Sa huli, napuno ng emosyon si Kidlat nang muli niyang mayakap at makapiling ang inang matagal niyang hindi nakasama.

Samantala, tuloy pa rin ang paglaban nina Kulot (Kokoy de Santos) at Dags (Anton Vinzon) sa paglaganap ng pinagbabawal na gamot na patuloy na pinapasok nina Matos (Bruce Roeland) at Jackson (Paolo Contis) sa Pilipinas.

Makatakas kaya sina Kulot at Dags ngayong sinunog nina Matos at Jackson ang lugar kung saan sila nakakulong? Ano kaya ang mangyayari ngayong nagkita nang muli si Kidlat at Maying?

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.