GMA Logo Jo Berry in Mga Batang Riles
What's on TV

Jo Berry, magbabalik bilang Atty. Lilet Matias para tulungan ang 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 24, 2025 4:39 PM PHT
Updated April 24, 2025 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks private sector to help bridge digital gap faced by Pinoy learners
8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry in Mga Batang Riles


Reresbak na ang Mga Batang Riles sa tulong ni Atty. Lilet Matias.

Magbabalik ang aktres na si Jo Berry bilang ang minahal na abogadong si Atty. Lilet Matias ngayong mapapanood na siya sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.

Sa post ng GMA Drama sa Instagram, nakumpirma nang si Jo ang pinakabagong makakasama ng Mga Batang Riles sa pagtatanggol nila sa Sitio Liwanag.

Nauna nang ginampanan ni Jo ang karakter ni Atty. Lilet Matias sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law.

"Resbak is real! Ano kaya ang maging papel niya sa buhay ng #MgaBatangRiles? ABANGAN!" nakalagay sa caption.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Ano kaya ang papel ni Atty. Lilet sa buhay nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon)?

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.