GMA Logo Jo Berry
What's on TV

Jo Berry, mapapanood na ngayong gabi sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 25, 2025 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Abangan ang pagbabalik ni Jo Berry bilang si Atty. Lilet Matias ngayong gabi sa 'Mga Batang Riles.'

Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, darating na ang resbak ng mag-inang Maying (Diana Zubiri) at Kidlat (Miguel Tanfelix) sa katauhan ng abogadong si Lilet Matias na muling gagampanan ng aktres na si Jo Berry.

Ngayong bumalik na ang ala-ala ni Maying, handa na sila ni Kidlat na sampahan ng kaso ang mga Victor. Noong una ay ayaw sila pansinin ng pulis pero buti na lang at dumating si Atty. Lilet na handang maging abogado nila.

Matulungan kaya ni Atty. Lilet sina Maying at Kidlat sa kasong isasampa nila laban sa mga Victor? O makakagawa ng paraan si Rendon (Jay Manalo) para matakasan ang mga kasalanan nila?

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.