GMA Logo Paolo Contis in Mga Batang Riles
What's on TV

Jackson, pinatay na ng mga Victor!

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 7, 2025 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of debris after Long March rocket launch from China
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis in Mga Batang Riles


Pinatahimik na nina Rendon (Jay Manalo), Scarlett (Desiree del Valle), at Matos (Bruce Roeland) si Jackson (Paolo Contis).

Ang mga Victor mismo ang tumapos sa buhay ng kakampi at kasosyo nila sa negosyo na si Jackson (Paolo Contis) sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.

Si Jackson rin ang tunay na ama ni Matos (Bruce Roeland), kaya minabuti na nina Rendon (Jay Manalo) at Scarlett (Desiree del Valle) na patayin na lang si Jackson.

Samantala, ilalaglag na rin ni Georgina (Faye Lorenzo) ang mga Victor. Dahil sa nangyari kay Jackson, minabuti ni Georgina na ikuwento na kina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Maying (Diana Zubiri) ang mga sikreto ng mga Victor.

Ano kaya ang mangyayari ngayong unti-unti nang nawawala ang mga kakampi ng mga Victor?

Patuloy na panoorin ang paaksyon na paaksyon na Mga Batang Riles mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.