GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Mga Batang Riles: Georgina, tuluyan nang bumaliktad laban sa mga Victor!

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 8, 2025 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Nasa panig na nina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Maying (Diana Zubiri) ang dating hitman ng mga Victor na si Georgina (Faye Lorenzo).

Matagumpay sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), at Dags (Anton Vinzon) na mailigtas si Georgina (Faye Lorenzo), ang dating tauhan ng mga Victor na handa nang bumaliktad.

Hindi naging madali ang pagligtas nina Kidlat, Kulot, at Dags kay Georgina mula sa mga taunahan ng mga Victor na loyal pa rin sa kanila hanggang ngayon.

Nang masiguro na ni Kidlat na ligtas na si Georgina, dinala niya ito sa Sitio Liwanag kung saan ibinunyag na niya ang mga kasalan ng pamilya Victor.

May mangyari kaya sa pahayag ni Georgina? O mananatili pa rin ang laban ng Mga Batang Riles para ipagtanggol ang kanilang lugar?

Patuloy na panoorin ang paaksyon na paaksyon na Mga Batang Riles mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.