
Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nagluluksa ang mga taga-Sitio Liwanag sa pagpanaw ni Chelsea (Caitlyn Stave).
Si Chelsea ang minalas na tamaan ng bala nang magwala si Matos (Bruce Roeland) dahil sa pagkakaalam niya ay ang grupo ni Kidlat (Miguel Tanfelix) ang pumatay sa kanyang inang si Scarlett (Desiree del Valle).
Ang hindi alam ni Matos, ang kakampi nilang si Argus (Jeric Raval) ang tunay na pumatay kay Scarlett.
Samantala, hindi pa rin nagpapatinag si Rendon (Jay Manalo) at patuloy pa rin ang pagpunta niya sa Sitio Liwanag na dati niyang tahanan.
Malalaman na kaya ni Kidlat na si Rendon ang tunay niyang ama?
Patuloy na panoorin ang paaksyon na paaksyon na Mga Batang Riles mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.