
May bagong makikipag-barkadagulan sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles dahil mapapanood na rin dito si Cristopher Diwata, ang lookalike ni Taylor Lautner na nagpa-uso ng 'What hafen Vella?' phrase na trending ngayon.
RELATED GALLERY: Meet Cristopher Diwata, the man behind the 'What hafen Vella' trend
Inanunsyo na kamakailan na mapapanood si Cristopher sa Mga Batang Riles. Ang tanong, kanino siya kakampi? Sa grupo ng Mga Batang Riles o sa mga Victor na naghahasik pa rin ng takot sa Sitio Liwanag?
Abangan si Cristopher Diwata sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.