
Umani ng papuri ang aktor na si Miguel Tanfelix dahil sa isang eksena sa pinagbibidahan niyang GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Nalaman na kasi ng karakter ni Miguel na si Kidlat na si Rendon (Jay Manalo) ang tunay niyang ama. Sa mahabang panahon, masamang tao ang tingin ni Kidlat kay Rendon, na siyang pinagbibintangan ng mga taga-Sitio Liwanag na may pakana ng sunog na nangyari sa kanilang lugar.
Balikan ang eksenang 'yan:
Dahil sa matitinding eksena ni Miguel, nakatanggap siya ng papuri mula sa mga manonood ng Mga Batang Riles.
Ayon sa ilang komento, pinatunayan daw ni Miguel na karapat-dapat siyang manatili sa industriya.
Umani ng papuri si Miguel Tanfelix dahil sa isang eksena ng 'Mga Batang Riles' na nakaantig sa puso ng mga manonood.
Ngayong alam na ni Kidlat ang totoo, ano kaya ang mangyayari sa Mga Batang Riles? Itutuloy niya kaya ang laban o kakampi siya sa ama niyang si Rendon?
Abangan si Cristopher Diwata sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.