
Mapapanood na ngayong gabi sa GMA Prime series na Mga Batang Riles ang internet sensation na si Cristopher Diwata na mas nakilala bilang Taylor Lautner ng Pinas.
Dadayo si Cristopher sa Sitio Liwanag kung saan makakasalubong siya ng Mga Batang Riles na sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon).
Ano kaya ang gagampanang karakter ni Cristopher? Magiging kakampi kaya siya ng Mga Batang Riles o isa na naman siyang tao ng mga Victor?
Abangan si Cristopher Diwata sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.