GMA Logo Mga Batang Riles 1 billion views
What's on TV

'Mga Batang Riles,' may mahigit 1 billion views na online!

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 19, 2025 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles 1 billion views


Bukod rito, umani rin ng papuri ang 'Mga Batang Riles' na tinawag ng mga manonood bilang isa sa "masterpiece" ng GMA.

Talagang tinututukan ng mga manonood ang GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles hindi lang sa telebisyon dahil maging online ay mayroon na itong 1 billion views.

Kasabay nito, umani rin ng papuri ang Mga Batang Riles online at tinawag ito ng mga manonood bilang isa sa "masterpiece" ng GMA.

Ngayong huling linggo na ng Mga Batang Riles, mas lalong tumitindi ang mga eksena sa pagitan nina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Matos (Bruce Roeland). Nagsimula nang magkagulo sa Sitio Liwanag nang muli itong sunugin ni Matos.

Mapigilan pa kaya ni Rendon (Jay Manalo) ang itinuturing niyang anak na si Matos?

Tutukan ang pinakamatinding barkadagulan sa huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.