GMA Logo Bruce Roeland in Mga Batang Riles
What's on TV

Mga Batang Riles: Matos, sinunog na ang Sitio Liwanag

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 19, 2025 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Bruce Roeland in Mga Batang Riles


Sinimulan na ni Matos (Bruce Roeland) ang pagsunog niya sa Sitio Liwanag.

Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nagkagulo na sa riles dahil tinuloy na ni Matos (Bruce Roeland) ang plano niyang pagsunog sa Sitio Liwanag.

Hindi napigilan nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kuloy (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) ang masamang balak ni Matos kaya naman kailangan lisanin ng mga tao ang kanilang bahay.

Pati si Rendon (Jay Manalo) na siyang nagpalaki kay Matos ay hindi ito mapigilan.

Maipagtanggol pa kaya nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags ang Sitio Liwanag laban kay Matos at sa mga tropa nila ni Vergel (Ian Ignacio)? Sino kaya ang kakampihan ni Rendon - si Matos o ang mga kaibigan niya sa riles?

Tutukan ang pinakamatinding barkadagulan sa huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.