
Ibinahagi ni Zephanie ang aral na natutunan niya sa GMA Prime series na Mga Batang Riles kung saan ginampanan niya ang karakter ni Mutya.
Sa mahabang post sa Instagram, sinabi ni Zephanie na katulad ng karakter niyang si Mutya ay hindi niya naisipang sumuko sa kanyang mga pangarap.
"Katulad ni Mutya, marami na din akong pinagdaanan na pagsubok sa buhay at ni minsan 'di ko naisip na sumuko. Dahil alam kong lahat ito may patutunguhan. Higit sa lahat, alam kong 'di lang ako ang lumalaban mag-isa. Kasama ko 'yung mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin," sulat ni Zephanie.
"Ang pagiging bahagi ng 'Mga Batang Riles' ang isa sa mga laban na pinili ko. Mga araw na walang tulog at sobrang pagod. Pero kapalit nun ang pusong puno ng saya at pagmamahal."
Sa huli, nagpasalamat si Zephanie sa lahat ng nagtiwala sa kanya at nakasama niya sa produksyon.
Pagtatapos niya, "Sa mga bumubuo ng proyektong ito, maraming salamat po sa tiwala at pasensya ninyong lahat! Salamat at minahal niyo si Mutya.
"Hanggang sa muli mga ka-riles! Hindi pa tapos ang laban."
Mapapanood ang full episodes ng Mga Batang Riles sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.