'Mga Batang Riles,' mapapanood na ngayong Lunes ng gabi!

Mapapanood na mamayang gabi ang unang pasabog ng GMA Prime na 'Mga Batang Riles' na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.
Iikot ang kuwento ng Mga Batang Riles sa apat na magkakaibigan na Kidlat (Miguel), Kulot (Kokoy), Sig (Raheel), at Dags (Antonio) at ang kanilang laban para sa Sitio Liwanag.
Kasama rin sa Mga Batang Riles sina Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Roderick Paulate, Jay Manalo, Jeric Raval, Desiree Del Valle, at Ms. Eva Darren.
Narito ang pasilip sa simula ng Mga Batang Riles na mapapanood na mamayang 8 p.m. sa GMA Prime.







