Top 10 action-packed scenes sa 'Mga Lihim ni Urduja'

Sa loob ng sampung linggo ay talaga namang napuno ng aksyon ang ating gabi dahil sa mga maiinit na labanan sa pagitan ng Team Urduja at Bounty Hunters.
Talagang sinubaybayan ng mga manonood ang misyon ng mga itinakda na sina Gemma (Kylie Padilla), Crystal (Gabbi Garcia), at Onyx (Vin Abrenica) sa paghahanap ng mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).
Simula unang araw nang pagpapalabas sa naturang mythical primetime mega serye ay marami na ang namangha at bumilib hindi lamang sa mala-international film na visuals nito kundi sa husay ng cast pagdating sa pag-arte lalong-lalo na sa kanilang fight scenes.
Bago ang mega finale ng action-adventure series na 'Mga Lihim ni Urduja' mamayang gabi, balikan muna sa gallery na ito ang mga maaksyong eksena na siguradong tumatak sa mga manonood.









