GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, na-miss gumawa ng action projects

By Aedrianne Acar
Published February 21, 2023 7:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Sparkle actress Sanya Lopez, nagkuwento sa magiging role niya sa mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja'.

Makikita uli natin ang palaban na side ng Sparkle actress na si Sanya Lopez sa pagbida niya sa mega serye na Mga Lihim ni Urduja.

Tila mini-reunion ito para kay Sanya at former Encantadia co-stars niya na sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia na mapapanood din sa much-awaited primetime series.

Kuwento ni Sanya sa 24 Oras na miss na niya sumabak sa mga action projects. “Sobra”, pag-amin ng Kapuso star, “Na-miss ko 'to Tito Lhar, kasi parang after nga po ng Enca, more on drama na 'yung ginawa ko. More on na normal na tao. So, ngayon kahit paano mero'n na uli tayong mga aksyon na ginagawa.”

Hindi rin biro ang ginawang paghahanda ni Sanya para sa role na Hara Urduja. Lahad nito, “Grabe! Ngayon nagwo-workout uli ako, nagpapa-abs uli ako. Kasi ang daming naka-miss sa abs ko.”

“Pero mahirap siya ibalik, ah.”

Samantala, aabangan din ng manonood ang mga kontrabida ng serye na sina Vin Abrenica at model-actress na si Michelle Dee.

Si Vin, ang gaganap bilang Onyx na lider ng bounty hunters.

Napakuwento pa ang ang moreno hunk tungkol sa ilang intense scenes na ginawa nila para sa Mga Lihim ni Urduja.

Aniya, “The action scenes dito, it's something else. Parang kahit tagaktak na 'yung pawis namin, lahat kami, nagkakatinginan, 'Ang sarap nito bro! Let's do it!'”

Mamangha naman ang fans ni Michelle Dee na makita ang other side niya bukod sa pagiging beauty queen.

Nauna nang ibinalita na lalahok muli ang Kapuso actress sa 2023 Miss Universe Philippines.

Last year nag-place siya na first runner-up at ang itinanghal na winner noon si Celeste Cortesi. Nagtapos si Michelle sa Top 12 ng Miss World pageant noong 2019.

“Sobrang natuwa ako, kasi medyo pangarap ko po na mag-action and mapakita ko naman 'yung other side, other than my beauty queen façade. Kasi, I have a background in martial arts, I love riding my motorcycle [and] I shoot guns.” sabi ni Michelle sa bago niyang role sa series.

Mangyayari next week ang world premiere ng Mga Lihim ni Urduja. Abangan ito sa February 27 sa GMA Telebabad!

SILIPIN ANG SET NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' DITO: