
Nag-trend sa Twitter Philippines ang pilot episode ng pinakabagong action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja na pinagbibidahan ng Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Pinag-usapan ng netizens ang bigating unang episode ng mega serye kung saan napanood ang intense fight scene nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Pangilinan).
Napanood din sa unang pagkakataon ang paghaharap ng dalawang itinakda upang hanapin ang mga nawawalang hiyas ni Urduja na sina Gem (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia).
Sa dulo ng episode na ito ay ipinakita rin ang grupo ng bounty hunters na binubuo nina Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Kristoffer Martin, at Pancho Magno.
Sa kasalukuyan, trending pa rin ang #MgaLihimNiUrduja na umani na ng halos 32,000 tweets.
Samantala, bukod sa napakagandang kuwento at casting, pinaulanan din ng papuri ng viewers ang cinematography, editing, set design at musical scoring ng naturang palabas.
#MgaLihimNiUrduja I am living for how the characters are both visually-appealing & full of angst at the same time. This teleserye brings a whole new level of entertainment. Walang nagpatalo sa Pilot Episode. Lahat kabog. Grabe. This how Pilot Eps should be. I am seated GMA. pic.twitter.com/7WkPDSKp2l
-- Manay | Multi-stan ERA (@michaelcarbon) February 27, 2023
Patuloy na subaybayan ang mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: