
Nagsimula na kagabi ang pinakabagong mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja.
Nakilala na rin ng mga manonood ang fashionista at jeweler na si Crystal Posadas na ginagampanan ng Kapuso star na si Gabbi Garcia.
Pilot episode pa lang ay talagang kinaaliwan na ang karakter ni Gabbi dahil sa mga nakakatawang linya at pagiging kikay nito.
Ayon sa netizens, bagay na bagay kay Gabbi ang kaniyang role.
Sige @gabbi . Kaya mo yan. Hahahaha! Charot! 🤣#MgaLihimNiUrduja pic.twitter.com/pCG3RncbaX
-- Tree | (@trisyan_) February 27, 2023
OH PAAAAAK!
-- Tree | (@trisyan_) February 27, 2023
"It is not about the fall but how you pick yourself up after. And I thank you!"
Taray ni Crystal sa kanyang Miriam Quiambao momints. Hahaha. Chor!@gabbi#MgaLihimNiUrduja pic.twitter.com/VItmvKnYoq
Samantala, sa episode kagabi, napanood na ang paghaharap ng dalawang itinakda na sina Crystal (Gabbi Garcia) at Gemma (Kylie Padilla).
Sinundan nila ang pinanggagalingan ng budyong na kanilang narinig at nakita nila ang grupo ng bounty hunters na kinukuha ang mga hiyas ni Urduja.
Mamayang gabi, mas titindi pa ang mga eksena dahil simula na ng initan sa pagitan ng Team Urduja at Bounty Hunters!
Abangan ang kanilang paghaharap mamaya sa Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad!
KILALANIN ANG CAST NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: